Ginawaran ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health Development, sa pamamagitan ng National Rabies Prevention and Control Program, ng Certificate of Quality Service ang Bayambang Rural Health Unit I, II, at III matapos nitong matagumpay na matugunan ang mga itinakdang pamantayan para sa Animal Bite Treatment Center (ABTC).
Ang mga sertipiko ay inisyu noong Hulyo 16, 2026 at mananatiling balido hanggang Hulyo 15, 2028.
Ayon sa mga sertipiko, kinilala ang Bayambang Rural Health Unit I, II, at III dahil sa kanilang aktibong pagsunod sa mga itinakdang pamantayan ng Department of Health para sa operasyon at serbisyo ng Animal Bite Treatment Center.
Nagsilbing evaluator sina Ms. Ana Fe D. Perez, ABTC Program Manager ng DOH-Center for Health Development I, Joanne A. Villanueva, Development Management Officer IV ng DOH-Pangasinan, at Ian Roger C. dela Peña, Nurse II ng DOH-Pangasinan.
Ang pagkakaloob ng mga sertipikong ito ay bahagi lamang ng patuloy na pagpapanatili ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Bayambangueño. (JLT/RSO; RHUs)



