Tinanggap ng Rural Health Unit I ang isang parangal mula sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth bilang “Highest Performing PhilHealth Konsulta Package Provider in Pangasinan for CY 2023,” sa Monarch Hotel Calasiao, Pangasinan noong September 30, 2024.
Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, naging matagumpay ang RHU I-Bayambang sa pagkamit ng naturang parangal dahil sa aktibong pagbibigay nito ng de-kalidad at abot-kayang health care goods at services sa mga outpatient gamit ang PhilHealth Konsultasyong Sulit Tama (Konsulta) package na mandato sa ilalim ng Universal Health Care Law.
Ang parangal na ito ay personal na iginawad nina Governor Ramon Guico III at PhilHealth Regional Vice-President Dennis Adre, kasama ang iba pang PHIC Central officers.
Si DOH CHD-I Regional Director Paula Paz Sydiongco naman ay naghatid ng isang mensahe para sa lahat.
Ilan pa sa mga dumalo ay ang mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa rehiyon, mga pinuno ng 14 na hospital, at mga local health officers at medical officers.
Lubos na nagagalak at bumabati ang buong LGU sa isa na namang parangal na ito na iniuwi ng RHU I. (Sheina Mae U. Gravidez/RSO; RHU I)