RHU Bayambang, National Awardee bilang Best Oral Health Program Implementer sa Luzon!

Pinarangalan ang RHU Bayambang bilang isa sa Best Oral Health Program Implementers mula sa Luzon sa ginanap na Parangal ng Tatlong Bituin ng Department of Health – National Association of Dentists noong March 3, 2026, sa Alaminos City Convention Center. Isa ang RHU Bayambang sa tatlo lamang na nakatanggap ng natatanging parangal mula sa Luzon, kasama ang RHU Sta. Maria, Laguna at CHO Tayabas, Quezon.

Ang oral health team ng Bayambang ay may sari-sari at malikhaing inisyatibo para isulong ang oral health sa Bayambang, kaya’t ang tagumpay na ito ay patunay sa dedikasyon at malasakit ng team sa pagtataguyod ng kalusugang pangngipin sa komunidad—isang adhikaing buong pusong sinusuportahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao para sa mas malusog na bayan ng Bayambang. (DFJ/RSO; RHU)