Pormal na pinagtibay ng Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter at ng Rural Health Unit (RHU) ng Bayambang ang kanilang kasunduan na mapabuti ang kalusugan ng ngipin ng mga ina at mga bata sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Project BUNTIS.
Ang proyektong ito ay may kumpletong titulong, “Bantay sa Unang Ngiti, Tagumpay ng Ina at Sanggol – First 1000 Days Oral Health Program para sa mga First-Time Moms.”
Ginanap ang lagdaan noong Nobyembre 28, 2024 sa RHU I Conference Room.
Ang inisyatibang ito ay nakatuon sa kalusugan ng ngipin ng mga kababaihang magiging ina sa unang pagkakataon at kanilang mga sanggol sa pinakaunang sanlibong araw ng buhay ng mga nito.
Layunin ng Project BUNTIS na magbigay-kaalaman sa mga ina tungkol sa kahalagahan ng kalinisan ng ngipin, magbigay ng preventive care sa ngipin, at itaguyod ang mga gawain na magtitiyak ng malusog na pag-unlad ng mga ina at kanilang mga supling. (DFJ/RSO; DFJ)