RHU at PDA-Pangasinan, Lumagda ng Kasunduan para sa Project BUNTIS Year 2

Para mas mapalakas pa ang programang pangkalusugan para sa mga first-time moms, ang LGU of Bayambang, sa pamamagitan ng Rural Health Unit I, ay muling nakipag-ugnayan sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter sa pamamagitan ng isang MOA signing para sa pagpapatuloy ng Project BUNTIS (First 1000 Days Oral Health Program for First-Time Moms) Year 2.

Naroon sa nasabing MOA signing sina Dr. Paz F. Vallo (Municipal Health Officer), Dr. Dave Francis Junio (Municipal Dentist), Dr. Daniel Farnacio (PDA Pangasinan Chapter President), at Dr. Beah Bautista (Chairman for Dental Public Health), kasama ang RHU health workers at PDA Pangasinan Executive Officers bilang mga saksi.

Ang Project BUNTIS: Bantay sa Unang Ngiti, Tagumpay ng Ina at Sanggol ay nakatuon sa First 1000 Days Oral Health Program para sa first-time moms, upang masiguro ang malusog na ngiti ng mga ina at sanggol mula sa simula pa lang.

Kasabay ng aktibidad, si RHU Midwife Teresita Mangandi ay nagbigay ng lecture tungkol sa exclusive breastfeeding para sa Batch 1 participants na nakapanganak na ng kanilang malulusog na sanggol.

Bukod dito, nagbigay rin ang PDA Pangasinan Chapter ng baby essentials at oral health kits bilang suporta sa mga bagong ina.

Sa pagpapatuloy ng programang ito, ipinapakita ng LGU Bayambang at PDA Pangasinan ang kanilang iisang adhikain: ang pagtutok sa oral health ng mga ina at sanggol upang matiyak ang mas malusog na ngiti at mas maliwanag na kinabukasan. (DFJ/RSO; DFJ/RHU I)