RHU 1 & 2 Dental Clinics, Accredited na ng PHIC para sa 2026

Opisyal nang iginawad ng Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) ang akreditasyon nito sa mga dental clinic ng RHU 1 at RHU II Bayambang para sa taong 2026.

Sa ilalim ng nasabing akreditasyon, maaari nang makapag-avail ang mga mamamayan ng mga libreng serbisyong pangkalusugan sa ngipin, kabilang ang mga oral health preventive services gaya ng dental cleaning, fluoride application para sa mga bata at matatanda, at dental sealant, pati na rin ang emergency tooth extraction o pabunot.

Layunin ng programang ito na mapalawak ang access ng publiko sa de-kalidad na serbisyong dental, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan.

Inaasahan din na makatutulong ito sa pagpigil sa mga karaniwang sakit sa ngipin at bibig sa pamamagitan ng regular na check-up at preventive care.

Hinihikayat ang lahat ng residente na samantalahin ang mga basic na serbisyong ito sa RHU I at RHU II Bayambang dental clinic, na maaaring ma-avail ng libre hangga’t miyembro ng programang YAKAP ng DOH. (RSO; RHU I)