Residente, Nagsurrender ng Alagang Unggoy

Isang residente ang nagsurrender ng kanyang alagang unggoy matapos itong sitahin ng mga kawani ng ESWMO.  

Isinurrender ng isang residente ng Brgy. Carungay noong  Agosto 14, 2024, ang naturang wildlife, na isang Philippine long-tailed macaque (Macaca fascicularis philippensis), sa MENRO matapos siyang maabisuhan na labag sa batas ang pag-aalaga nito, at maaari itong maging dahilan upang makulong o maparusahan ayon sa R.A. 9147.

Agad na inihatid ng ESWMO staff ang nasabing matsing sa pangangalaga ng CENRO Dagupan. (RSO; ESWMO)