Rescue and Relief Operations ng MDRRMC, Tuluy-Tuloy

Dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan at pagtaas ng tubig-baha, tuluy-tuloy din ang naging rescue at relief operations ng Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council members sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Binuksan ang San Gabriel 2nd Evacuation Center at Manambong Sur Evacuation Center upang tumaggap ng mga evacuees mula sa mga binahang purok at sitio ng mga nasabing barangay.

Kabilang sa mga naunang hakbang ang pagtawid ng rescue team sa baha sa Purok 7 ng Brgy. Managos at Sitio Lagare ng San Gabriel 2nd, dalawang lugar na unang naapektuhan ng malalim na baha upang magsagawa ng actual area assessment, mag-implementa ng forced evacuation, at mamahagi ng relief food packs kada pamilya, mamigay ng prophylaxis, at gamot sa may mga sakit at vitamins sa mga apektadong indibidwal.

Sa kasalukuyan ay mayroong 9 na indibidwal mula sa dalawang pamilya sa Managos Barangay Evacuation Center at 42 indibidwal (9 pamilya) sa Manambong Sur EC ang hinatiran ng sari-saring tulong, kabilang ang food packs at medical assistance.

Inaalam pa ang bilang ng mga nasa Brgy. San Gabriel 2nd Evacuation Center at Brgy. Pantol Evacuation Center. (RSO; MDRRMC)