Simula September 1, 2025, Lunes, ang mga lugar sa paligid ng Bayambang Central Terminal at bagong Bagsakan Market ay magkakaroon ng one-way na daan.
Ang mga apektadong daan ay ang mga daan sa:
– Barangay Zone III (Burgos St. – one way, papasok)
– Zone II (Bonifacio St. – one way, palabas)
– Zone VI (Public Cemetery – two way for light vehicles only)
Ito ang napagkasunduan ng Task Force Disiplina (TFD) sa ginanap na pulong ngayong araw, Agosto 28, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni Task Force Disiplina Deputy Officer Amory Junio at Bayambang Public Safety Office Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, kasama sina Councilor Zerex Terrado at ang kinatawan ni Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad na siyang pinuno ng Administrative at Adjudication Unit ng TFD.
Ang pulong ay dinaluhan ng TFD members, bus at van operators, jeepney drivers, at TODA presidents. (RSO; JMB)




