Relief Operations, Nagpatuloy

A. Naging puspusan ang rescue and relief operations ng MDRRMC-Bayambang sa gitna na malawakang pagbaha, lalo na sa mga mabababang barangay. Nagtulung-tulong ang miyembro ng Quick Response Team upang makapaghatid ng relief goods sa mga binuksang evacuation center.

B. Nagmigay naman ng libreng checkup, prophylaxis, at bitamina ang mga RHU sa mga apektadong indibidwal.

C. Nagkusang-loob naman ang lahat ng mga opisyal at iba’t ibang pribadong grupo sa paghahatid ng karagdagang tulong sa mga lubhang nasalanta, kaya’t buhay na buhay ang bayanihan at pagiging madiskarte sa bayan ng Bayambang.