Nasungkit ni Reign Joy C. Lim ng Brgy. Nalsian Sur ang korona sa Coronation Night ng Binibining Bayambang 2024 na ginanap sa Bayambang Events Center, ika-4 ng Abril bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista’y Baley 2024.
Nakuha naman ni Gem Danielle Panadero ng Brgy. Zone V ang titulong Binibining Bayambang Tourism, si Nexel T. Junio ng Brgy. Tamaro, Binibining Bayambang Charity, Cindy C. Reyes ng Brgy. San Vicente ang 1st runner-up, at Maekaela Ruth L. Dela Cruz ng Brgy. Tococ East ang 2nd runner-up.
Sa pagsisimula pa lang ng inaabangang patimpalak ay nagpasiklaban na ang naggagandahang 23 kandidata sa kanilang production number. Isa-isa silang nagpakilala, at bakas sa kanilang performans ang hangaring maiuwi ang korona.
Matapos nito ay nag-iwan ng mensahe si Mayor Niña Jose-Quiambao, at aniya “Lahat ng mga magagandang bagay sa mundo ay hindi basta-basta makukuha. Ang mga ito ay pinaghihirapan, pinagpapaguran.”
Ang Binibining Bayambang 2024 ay nakasentro pa rin sa slogan na “Beauty for love and service,” na nangangahulugang ang mga kandidata ay may kanya-kanyang adbokasiyang itinataguyod, at bahagi ng mapapanalunan ng hihiranging Binibining Bayambang ay ang pagbibigay din ng counterpart award sa kanyang chosen charity.
Bukod sa mga nakoronahang kandidata, ginawad din ang iba’t-ibang major at special awards sa mga kandidata:
MAJOR AWARDS:
Best in Swimsuit – Ma. Jasmin Niña Pingul
Best in Creative Costume – Cindy Reyes
Best in Long Gown – Reign Joy Castillo Lim
SPECIAL AWARDS:
People’s Choice Award – Ma. Jian Shantel Saygo
Miss Congeniality – Vanessa Joy Cabatuan
Miss Photogenic – Nexel T. Junio
Miss Nikki Redefine Beauty – Gem Danielle B. Panadero
Miss Richstar – Ma. Jian Shantel Saygo
Miss AILC – Kayc Vanessa Garcia
Miss Red Cross – Ma. Jian Shantel Saygo
Miss Merbao Zambales – Emcel K. Viray
Miss Perfect Smile – Gem Danielle Panadero
Bb. Centro Verde – Emcel K. Viray
Miss CSI First Green – Destiny Dulce de Guzman
Miss JKQ Hospital – Reign Joy Lim
Miss Royal Mall – Elieza Papio Semillon
Si Lim bilang Binibining Bayambang 2024 ay nakatanggap ng P100,000 cash prize, at karagdagang ₱100,000 para sa kanyang napiling charity. Makatatanggap din ng ₱50,000 ang kanyang barangay, at siya ay mayroong pang ₱40,000 worth of 1.8 carat necklace, ₱50,000 worth of certificate from Tessera, at ₱500,000 worth of life accident insurance.
Samantala, ang mga tinitingalang hurado ay kinabinilangan nina Pilates instructor Jeshuran Galindo Subing-Subing, international beauty pageant coach Ian Mendajar, San Juan, Batangas mayor’s wife, Anika Marasigan, jeweler Patricia Fider, Maguindanao entrepreneur Matthew Tan, transport businessman Chris Dizon, ang model-actor na tubong Bayambang na si Kirst Viray, ang aktor na si Dominic Roque, at ang fashion designer ng mga bigating artista na si Michael Leyva, na siyang tumayong punong-hurado.
Nagsilbing emcee naman ang tatlong Binibining Bayambang na sina Gabrielle Marie Reloza, Daniela Daria May Llanillo, at Jan Rlee de Guzman.
Isa ang Binibining Bayambang 2024 Coronation Night sa pinakainaambangan ng mga Bayambangueño hindi lang dahil sa mga naggagandahang mga kandidata kundi pati na rin ang mga kilalang pangalan na inimbitahan sa nasabing patimpalak.
Pinagkaguluhan ng mga manonood ang mga sikat na actor sa bansa na sina Dominic Roque na umupo bilang isa sa mga hurado at ang actor na si Joshua Garcia na nag-alay ng awitin sa mga kandidata.
Sa pagtatapos ng programa, muli na namang pinatunayan na ang tunay na kagandahan ng bayan ng Bayambang ay masisilayan sa mga mamamayan nito, kabilang na ang mga naggagandahang dilag.