Isang pulong muli ang ginanap sa Mayor’s Conference Room ngayong araw, April 23, 2024, para sa regulasyon at relokasyon ng mga talipapa vendor na kadalasan ay hindi sumusunod sa iniimplementang mga regulasyon ng LGU na ang pawang basehan ay national laws at mga direktiba ng presidente ng Pilipinas sa pamamagitan ng DILG.
Tinalakay sa pulong ang iba’t-ibang mga panganib at perwisyo na maaaring mangyari kung masakop ng bawat talipapa ang kalsada. Bukod sa trapiko na maidudulot nito, dagdag pa ay ang disgrasya dahil sa mga nakahambalang sa daan.
Pag-uusapang muli kung saan ang magiging bagong puwesto o paglilipatan ng mga maglalako upang maituloy ang kanilang mga negosyo kung saan sila ay kikita habang sumusunod sa patakaran ng pambansanag pamahalaan at ng LGU kasama ang pagcomply sa business permit gaya ng sanitary permit. (nina Sharlene Joy G. Gonzales, Maricar Perez/RSO; larawan: Ace Gloria)