Kasabay ng kanilang opisyal na grand opening ngayong araw, ika-27 ng Abril, nag-courtesy call ang Red Ribbon Bayambang kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa pangunguna ng kanilang Group Manager na si G. Dwayne Christian Daguro.
Ang kanilang bagong branch ay matatagpuan sa Royal Mall.
Ipinahayag ang hangarin ng Red Ribbon na makipagtulungan sa LGU sa mga programang pangkomunidad, mga aktibidad ng bayan, at iba pang inisyatibong makatutulong sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Ipinabatid naman ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ng lokal na pamahalaan ang kanilang buong-suportang pagtanggap sa mga pribadong sektor na namumuhunan at aktibong nakikilahok sa mga gawaing magdudulot ng malaking benepisyo para sa mga Bayambangueño. (KBP/RSO; Rob C)



