Sa kanilang regular na sesyon ngayong araw, Hulyo 1, 2025, kinumpirma ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang re-appointment ni Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad bilang Municipal Administrator, matapos ang unanimous na pagsang-ayon ng lahat ng mga miyembro sa kanya bilang isang administrador na may buong sipag, competence, at integridad.
Naniniwala ang SB na walang makakahigit sa naipakitang pagpupunyagi ni Atty. Vidad upang direktang tulungan si Municipal Mayor, Hon. Niña Jose-Quiambao, sa pangangasiwa ng mga gawain ng LGU-Bayambang, partikular na ang pagtutok nito sa poverty alleviation sa pamamagitan ng “Rebolusyon Laban sa Kahirapan.”
Di matatawaran ang kaalaman at kakayahan ni Atty. Vidad dahil sa kanyang karanasan bilang kawani ng Presidential Management Staff at National Anti-Poverty Commission. (SB/RSO; DSP)




