Dahil sa naging pananalasa ng mga bagyong ‘Crising,’ ‘Dante,’ at ‘Emong’ at pag-ulan dulot ng southwest monsoon, dumating noong Hulyo 29, 2025, ang team mula sa rehiyon at probinsya para magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA sa bayan ng Bayambang.
Kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Bayambang, sinuri nila ang lawak ng pinsala at tinukoy ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong barangay.
Layon ng RDANA na magsilbing batayan ng mga isusunod na tulong at aksyon ng gobyerno.
Kabilang sa bumisitang inspection regional team ang OCD, DILG, DSWD, BFAR, DENR-MGB, DPWH, at PDRRMO-Pangasinan.
Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga barangay na makipag-ugnayan at magsumite ng ulat ukol sa pinsalang dulot ng pagbaha upang maisama sa kabuuang assessment. (RGDS/RSO; MDRRMO, JMB)









