Nag-organisa ng isang Training-Workshop ang Municipal Nutrition Action Office sa pamumuno ni MNAO, Venus M. Bueno, patungkol sa Nutrition in Emergencies (NIE) na dinaluhan ng mga miyembro ng Quick Response Team ng LGU na kinabibilangan ng midwives, nurses ng mga RHU, kasama rin ang mga BNS, MAO, MDRRMO, MSWDO at MPDO.
Ang training ay ginanap sa Mayor’s Conference Room at noong November 16 hanggang 17, 2023, kung saan naging resource speaker sina Dagupan City Nutrition Officer Ana Mariel L. Visperas at Bacnotan, La Union Nutrition Officer John Philip Gabriel.
Layunin ng training na magkaroon ng kasanayan ang naturang team sa tamang pagrisponde pagdating sa aspeto ng nutrisyon sa panahon ng mga kalamidad.
(Vernaliza M. Ferrer/RSO)