Nagtipon ang mga LGU department head, Internal Quality Auditor (IQA), at Document Control Custodian (DCC) para sa Management Review 2026, ngayong araw ika-28 ng Abril sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kasama sina Quality Management Representative Carmela Atienza Santillan at ICTO head Ricky B. Bulalakaw.
Sa pulong ay minonitor at masusing sinuri ang mga management report ng bawat opisina pati na rin ang mga isyung lumabas sa pinakabagong Internal Quality Audit, upang matiyak ang patuloy na compliance ng buong LGU sa ISO 9001:2015 standards.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang mas mapapatibay ang Quality Management System (QMS) ng pamahalaang lokal. Naging daan ang naturang review upang agad na masolusyunan ang mga natukoy na gaps at concerns sa proseso ng bawat tanggapan, mapabuti ang kalidad ng trabaho, at patuloy na maihatid ang Total Quality Service sa bawat mamamayan. (KBP/RSO; RobC – first photo, AG)













