Bilang paghahanda sa nalalapit na ISO 9001:2015 Recertification Audit na nakatakdang isagawa sa Hulyo 2026, nagsagawa ang LGU Bayambang ng QMS Orientation at Re-Orientation noong Mayo 26, 2026 sa Balon Bayambang Events Center.
Layunin ng nasabing aktibidad na higit pang mapalakas ang implementasyon ng Quality Management System (QMS) sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Ang sesyon sa umaga ay inilaan para sa mga bagong empleyado ng LGU upang maging pamilyar sila sa mga proseso at pamantayan ng QMS, habang ang sesyon sa hapon naman ay nagsilbing re-orientation para sa mga kasalukuyan at matagal nang kawani bilang paghahanda sa nalalapit na audit.
Sa kanyang opening remarks, binigyang-diin ni Mr. Ricky V. Bulalakaw, Overall Document Control Custodian, ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng bawat opisina sa pagpapanatili ng kalidad ng serbisyo publiko. Ayon sa kanya, mahalagang maunawaan ng bawat kawani ang kanilang papel sa QMS upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito sa kani-kanilang tanggapan.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang kahalagahan ng risk management at ang paghahanda sa serye ng mga aktibidad tulad ng pagsusumite ng updated organizational chart, QMS orientation at re-orientation, risk and opportunities review and consultation, IQA mock audit, at DCC quarterly meeting.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, higit na napagtitibay ang kahalagahan ng ISO certification sa lokal na pamahalaan para sa mas mataas na antas ng kalidad ng serbisyo publiko. Kinakailangan din ang patuloy na kooperasyon ng bawat empleyado upang mapanatili ang mga pamantayang ito para sa kapakanan ng mga mamamayan. (JLT/SMGC:AG)






