Isinagawa ang isang pagpupulong upang pag-usapan ang mga nakatakdang operasyon ng Task Force Disiplina, sa layuning mapalakas ang disiplina at kaayusan sa buong bayan ng Bayambang.
Sa pangunguna ni PNP Bayambang Chief, PLtCol. Rommel Bagsic, tinalakay ang pagpapatuloy ng road clearing operations sa buong bayan, ang napipintong pagpuksa sa problema ng mabahong drainage system sa Quezon Blvd. dahil sa walang pahintulot na pagbebenta ng karne, at ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin laban sa mga pasaway na ilegal vendor sa Brgy. Nalsian Sur.
Ang pagpupulong ay ginanap sa Mayor’s Conference Room (MCR) noong Hunyo 16, 2025. (RGDS/RSO; JMB)




