Nagtungo ang mga RHU I nurse na sina Jonathan Florentino at Mike Dominic Gragasin noong Hulyo 16, 2025 sa Brgy. Tambac upang kumpirmahin at imbestigahan ang naiulat na kaso ng mushroom poisoning doon.
Ito ay matapos isugod sa Bayambang District Hospital sa araw ding iyon ang pitong residente nang sila ay makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at diarrhea.
Sila diumano ay kumain ng mga kabuteng tumubo sa ilalim ng puno ng kawayan.
Ang mga pasyente ay kasalukuyang for discharge na, at nakatakdang bigyan ng bitamina ng RHU I.
Inaabisuhan ang publiko na umiwas sa pagkain ng mga kabute lalo na’t kung hindi kilala kung anong uri ito, sapagkat karamihan sa mga ligaw na kabute ay maaaring makalason. (RSO; RHU I)



