Nagsagawa ng public scoping para sa Bayambang Pump Irrigation Project (BPIP) ang pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) at Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – Regional Office 1 (DENR EMB-R1) noong Pebrero 6, 2024, sa Balon Bayambang Events Center, upang talakayin ang mga environmental at social impact ng proyekto, mga panukalang mitigating measure, at monitoring implementation.
Ang public scoping ay isang aktibidad kung saan iniimbitahan ang mga apektadong sektor o residente sa lugar kung saan gagawin ang proyekto bilang paunang parte ng proseso ng pagbalangkas ng EIS o environmental impact statement.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga concerned Punong Barangay at kanilang konseho, farmers’ association, at mga may-ari ng pribadong lupain.
Naroon din ang mga representante mula sa DENR EMB-R1 Rowell Lipadan, Engr. Geromimo Garcia, Rubie Honey Tavas, at Aquilina Mendoza.
Sa pagtatapos ng programa, nagkaroon ng open forum upang dinggin ang lahat ng mungkahi at sagutin ang mga katanungan at concerns ng mga apektadong partido ukol sa proyekto.
(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: JMB)