Upang mapag-ibayo ang serbisyo sa ating pamilihang bayan at mahigpit na ipatupad ang batas, pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quimbao, mga public market vendor at stallholder, kasama sina Special Economic Enterprise head, Atty. Justine Alvarez, at iba pang mga concerned department head.
Tinalakay ang ukol sa actual cash tickets charged, ang mga arrear o unpaid rental ng mga stall, at iba pang concerns ng mga vendors.
Nagbigay din ang LGU ng maaaring pagkautangan ang mga market vendor sa mababang interes upang kanilang maiwasan ang pangungutang sa mga Bumbay at nagpapa-“five-six.”
Ginanap ang pulong noong June 4 sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; AG)