Public Market Fire | Follow-up Meeting ukol sa Electrical Wiring at iba pang Isyu

Sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, isang follow-up meeting sa Mayor’s Conference Room ang isinagawa noong  May 06,2024, ukol sa nagdaang sunog sa pamilihang bayan.

Dahil sa resulta ng imbestigasyon ng BFP ukol sa sanhi ng sunog na octupos wiring, tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng Bayambang katuwang ang CENPELCO na maisaayos at ma-improve ang mga electrical wiring sa lugar upang maiwasan na rin ang illegal connections na kadalasang pinagmumulan ng sunog.

Nagkaroon din ng evaluation sa bawat rumespondeng departamento at iba pang ahensya upang matukoy ang mga area na kailangan pang iimprove upang mas mapadali ang pag-apula ng apoy.

Samantala, ang mga apektadong market vendors ay binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng temporary relocation sa 2nd floor ng Quadricentennial Building habang sumasailalim ang nasunog na bahagi ng palengke sa rehabilitation.

Inaasahang sa loob ng isang buwan ay makababalik na ang mga apektadong vendor sa dati nilang pwesto maliban lamang yaong ang stall ay nakasakop na sa may kalsada at madaraanan ng road-clearing operation.

(Sheina Mae Gravidez, larawan ni: Xerxesh Gloria)