Noong February 29, 2024, isang pampublikong pagdinig ang isinagawa ng Sangguniang Bayan para sa tatlong panukalang ordinansa, at ito ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center.
Ang mga panukalang ordinansa na isa-isang tinalakay ay ukol sa, una, pagbibigay ng isang Annual Physical and Dental Check-Up para sa empleyado ng munisipyo:
– “An Ordinance Providing for Annual Physical and Dental Check-Up of the Municipal Officials and Employees of the Municipality of Bayambang.”
Pangalawa ay ang pagpapahintulot sa paglagay ng “Basic Oral Hygiene” bilang parte ng curriculum ng mga daycare center upang matutunan ng mga bata kung paano maging malinis at mapanatiling malusog ang ngipin para makaiwas sa anumang sakit:
– “An Ordinance Authorizing the Inclusion of ‘Basic Oral Hygiene’ in the Curriculum of Day Care Centers in the Municipality Under the ‘Orally Fit Child’ Program of the Department of Health (DOH)”
Ang pangatlo naman ay ang pagdeklara at pagtatag sa buwan ng Pebrero ng isang Healthy Smile Festival, bilang pagtalima sa National Dental Health Month sa probinsya ng Pangasinan:
– “An Ordinance Declaring the Month of February of Every Year as the “Balon Bayambang Healthy Smile Festival” In the Municipality of Bayambang, Province of Pangasinan in Line with The Nationwide Observance of National Dental Health Month Held Annually in February, and Appropriating Funds.”
Ang naturang pagdinig na inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho ay pinangunahan nina SB Committee Chairman on Rules, Laws, and Ordinances, Councilor Amory Junio, at Committee Chairman on Health and Sanitation, Councilor Levinson Nessus Uy, sa gabay ng representante mula sa Pangasinan Dental Association na si Dr. Beah Bautista; Rural Health Physician, Dr. Roland M. Agbuya; RHU II Dentist-Consultant, Dr. Alma Bandong; at Child Development Workers’ Federation President, Ms. Estherly N. Friaz (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)