Isang public consultation ang isinagawa ng LGU sa Barangay Tamaro Covered Court noong ika-30 ng Abril, 2024, ukol sa muling pagpapaigting ng road-clearing operations alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2024-053, upang mapanatili ang peace and order sa kalsada at kaligtasan ng mga motorista, mamimili at maging ng mga sidewalk vendors.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama si Councilor Jose ‘Boy’ Ramos at mga miyembro ng Road-Clearing Task Force sa ilalim ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon.
Dito ay ipinaliwanag ng buong team ang mga perwisyong dulot ng ilegal na pagbebenta sa gilid ng kalsada. Kanilang kinumbinsi ang mga apektadong vendors na ang mga sidewalk obstruction ay kailangang baklasin upang mapanatiling maayos ang daanan at upang maiwasan ang anumang aksidente sa mga motorista at mamimili.
Sa dulo ng konsultasyon ay nagkaroon ng isang open forum, kung saan malayang naihayag ng mga sidewalk vendor ang kanilang mga hinaing. Subalit malinaw ring naipaliwanag sa kanila ng Task Force na hindi maaaring isaalang-alang ang kapakanan ng mga motorista, mamimili at maging sila mismo, kung kaya’t ang batas pa rin ang mananaig para sa ikabubuti ng lahat. (nina Vernaliza M. Ferrer, Shiena Mae U. Gravidez/RSO; larawan: Ace Gloria)