PSU Prof, Dating Hepe ng PIA-Pangasinan, Nagturo ng Writing at Public Speaking Skills sa mga Kawani

Sa pag-oorganisa ng HRMO, ang mga kawani ng LGU ay sumabak sa isa na namang training, ang “Training on Effective Written Communication and Public Speaking,” noong ika-20 ng Oktubre 2023 sa Balon Bayambang Events Center.

Akmang-akma ang panimulang mensahe ni Acting Municipal Mayor na si Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan sa mga dumalo: “Tayo sa LGU, we have more than 50 offices that need to have skills in proper communication, schedules and instruction. It is really very important ang ganitong training dahil alam natin na ang maling paggamit ng kuwit, tuldok, at salita, at wrong spelling ay may malaking impact sa mga nagbabasa. This training will help resolve miscommunication because we hear the insights from the expertise of the speakers that we can utilize in our daily work.”

Sa programa ay ipinaliwanag ni PSU-Bayambang Chairman of Languages Department, Dr. Mary Ann Jimenea-Bullagay, ang tungkol sa “Trends in Written Communication.”

Tinalakay naman ni PSU-Lingayen Public Relations, Publication and Information Director Venus May Hortaleza-Sarmiento ang “Art of Public Speaking.” Si Gng. Hortaleza-Sarmiento ay dating pinuno ng Philippine Information Agency-Pangasinan.

Tumatak sa bawat kawani ang ibinahagi ni Gng. Sarmiento na, “Believe in your message. Walang maniniwala sa sasabihin mo kung ikaw mismo, hindi naniniwala sa mensahe mo.”

Pangwakas na mensahe naman ni Acting Municipal Administrator na si Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., “Effective communication is part of our daily life, so we need to embrace it. This training equips you as a public servant, gives you confidence, and opens other opportunities for you.”