Isang job fair ang ginanap sa pagtutulungan ng PSU-Bayambang Campus at PESO-Bayambang noong June 17, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa 569 na naitalang bilang ng aplikante, 31 ang hired on the spot.
Kabilang sa mga job recruiters ang Philippine Army, Jenerick International Manpower Inc., CSFirst Green Agri Industrial Development Inc., One Document Corp., SM Hypermarket, Sunlife of Canada, Global Mode Manpower Services Inc., Staff Search Asia Service Cooperative, San Miguel Brewery, JKQ Medical and Wellness Center, Clean Edge Manpower Solution, Microbase Motorbike Corp., Foundever Phils. Corp., CSFirst Builders Inc.
Naroon din ang SSS upang tulungang agad makakuha ng employment-related na requirement ang mga nagsipag-apply sa trabaho: ang SSS number. May 265 applicants ang agad na nakapag-apply para rito nang di na kailangan pang bumyahe sa pinakamalapit na branch ng ahensya sa Dagupan. (RSO; PESO)