PSU-BC Student Journalists, Media Partner sa Pista’y Baley 2026 News Coverage

Malugod na tinanggap ng mga student-journalist mula sa PSU-Bayambang Campus ang imbitasyong maging media partner ng LGU-Bayambang para sa news coverage sa darating na selebrasyon ng Town Fiesta 2026.

Sa pulong na ginanap sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO) ngayong araw, February 10, 2026, tinalakay ni Public Information Officer Resty S. Odon sa ngalan ni MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, ang iba’t-ibang aktibidad na magaganap sa darating na Pista’y Baley 2025 at kung paano ang mga ito dapat maiulat nang maayos ng team mula sa “The Reflector.”

Ang mga student-journalist ay pinangunahan ng kanilang mga student publication adviser na sina Mr. Adrian D. Veloso, Mr. Paul M. Magalong, at Ms. Faith A. Ceralde. (WMC; JMB)