Isang team ng mga veterinarian sa pamumuno ni Provincial Veterinarian, Dr. Arcely G. Robeniol, sa tulong ng Municipal Agriculture Office, ang nagbigay ng libreng veterinary services sa Bayambang.
Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, June 3, 2025, sa Brgy. Nalsian Norte at dinaluhan ng mga taga-karatig-barangay.
Kabilang sa mga handog na serbisyo para sa mga alagang baka, kalabaw, kambing, at tupa ang hemorrhagic septicemia vaccination, deworming o purga, konsultasyon, at vitamin supplementation. (RSO; MAO)