Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Bayambang ng public consultation kaugnay ng panukalang pagtatayo ng Bayambang Slaughterhouse sa Brgy. Inirangan upang ipresenta ang proyekto sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project Scale Up na popondohan ng World Bank at kunin ang mga pananaw at mungkahi ng iba’t ibang stakeholder bago ang implementasyon nito.
Ang aktibidad ay ginanap ngayong araw, July 2, 2026, sa Brgy. Inirangan Covered Court.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng opening remarks ni Engr. Florelexie Ancheta Valentin bilang representante ni Municipal Administrator at Deputy Head ng Municipal Agriculture Office, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at inspirational message ni Mayor Niña Jose-Quiambao na inihatid naman ni Councilor Jocelyn Espejo.
Inilahad naman ni I-BUILD Unit Head, Municipal Engineer Bernadette D. Mangande ang detalye ng proposed sub-project, habang ipinaliwanag ni Slaughterhouse Head Luz B. Cayabyab ang operational guidelines at tinalakay naman ni Atty. Charlemagne Papio, Deputy Officer ng Municipal Legal Office, ang grievance redress mechanism.
Nagkaroon din ng open forum kung saan naipahayag ng mga dumalo ang kanilang mga katanungan, opinyon, at mungkahi kaugnay ng proyekto.
Sa pamamagitan ng naturang konsultasyon, muling pinagtibay ng LGU-Bayambang ang kahalagahan ng transparency, pakikilahok ng publiko, at maayos na pagpaplano sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapalakas sa lokal na agrikultura at industriya ng livestock. (MADL/RSO; JMB)


















