“Project Molar,” Isinagawa sa Hermoza at Catalino Castañeda ES

Bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng Oral Health Month, nagsagawa ng isang dental sealant application sa mga mag-aaral ng Hermoza Elementary School at Catalino Castañeda Elementary School (Brgy. Sanlibo) noong February 12, sa tinaguriang “Project Molar.”

Ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng mga RHU, Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter, DOH CHD Region 1 — na nagpadala ng dental bus, at mga dentista ng DepEd.

May 246 na estudyante (Hermoza – 121; Sanlibo – 125) ang nabiyayaan ng libreng dental sealant sa aktibidad na naglalayong iiwas ang ating mga kabataan sa tooth decay. (RSO; DFJ/RHU)