Isa na namang profiling activity para sa TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers ang isinagawa ng DOLE at PESO-Bayambang noong March 22, 2024 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Sa pagkakataong ito, ang target beneficiary’s ng emergency employment program ng ahensya ay mga 593 KALIPI members na popondohan ng tanggapan ni Senator JV Ejercito at 164 farmers na apektado ng El Niño na popondohan naman ng DOLE.
(RSO/PESO-Bayambang)