Isa na namang profiling activity ang isinagawa ng PESO-Bayambang at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa bagong batch ng beneficiary’s ng Tulong Pangkabuhayan para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE: ang may 1,540 na registered PWDs.
Ang profiling ay ginanap noong September 2, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang batch na ito ay popondohan ng tanggapan ni Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas. (RSO; JMB, PESO)