Nagsagawa muli ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO-Bayambang) ng isang profiling activity para sa programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers, upang matukoy at mapili ang mga karapat-dapat na makatatanggap ng benepisyo mula sa nasabing programa.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap ngayong araw, April 15, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pagkakataong ito, ang target na benepisyaryo ng emergency employment program ay binubuo ng 464 na miyembro ng TODA o Tricycle Operators and Drivers Association sa Bayambang. Sila ay mga manggagawang pangunahing naapektuhan ng krisis sa presyo ng petrolyo.
Ang pondo para sa naturang programa ay nagmula mismo sa DOLE. (VMF/RSO; JMB, PESO)










