Professional Image at Workplace Etiquette, Tinalakay sa HRMO Seminar

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng propesyonalismo sa serbisyo publiko, nagsagawa ang Human Resource Management Office (HRMO) ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ng Professional Image and Workplace Etiquette and Values Formation activity sa Balon Bayambang Events Center, June 30, 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao, binigyang-diin sa opening remarks na inihatid ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang kahalagahan ng paglilingkod nang may ngiti, integridad, at kahusayan. “We send a clear message to our people that they matter, they are valued, and that they deserve the very best service we can provide,” ani Atty. Sagarino-Vidad.

Tampok sa aktibidad ang talakayan ni Dr. Joel M. Torres, Professor VI ng Central Luzon State University, hinggil sa professional image, workplace etiquette, at values formation. Nagsagawa rin siya ng mga team-building activities na nagbigay-daan sa mas mahusay na pagtutulungan, komunikasyon, at pagpapalakas ng samahan ng mga kalahok.

Sa pamamagitan ng seminar na pinangunahan ng HRMO, patuloy na pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang kakayahan at pagpapahalaga ng mga kawani upang makapaghatid ng mas mahusay, episyente, at makataong serbisyo sa mamamayan. (LFA/RSO; AG)