Natapos na ang pagsasagawa ng asphalt overlay sa Bical-Tanolong Road, sa inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao at sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon Guico III.
Ang proyekto ay naglalayong pansamantalang tugunan ang problema ng lubak-lubak na daan, na araw-araw na binabagtas ng mga motorista at mga magsasaka sa bayan.
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niña sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nakapag-secure na ng pondo ang lokal na pamahalaan at inaasahan na bago matapos ang taong 2025, konkreto na ang naturang daan.