Sumunod na nagsagawa ang Price Monitoring Team ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, ng price monitoring sa pangunguna ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at DTI, sa mga grocery store sa bayan ngayong araw, Marso 11, 2026, upang masuri ang kasalukuyang presyo ng kanilang mga ibinibentang produkto.
Layunin ng aktibidad na matiyak na ang mga presyo ng produkto ay patas, makatwiran, at naaayon sa umiiral na mga batas at regulasyon upang maprotektahan ang mga mamimili.
Kasama sa monitoring team ang mga kinatawan mula sa Bayambang Municipal Police Station, Bayambang Public Safety Office at Task Force Disiplina, Office of the Special Economic Enterprise, Municipal Treasury Office, at Public Information Office upang masiguro ang maayos na koordinasyon at mahigpit na pagsunod sa mga patakaran sa presyo. (RSO; JMB)

















