Muling nagkaroon ng price monitoring activity ang pamahalaang lokal, at sa pagkakataong ito ay tinignan naman ang mga presyo ng LPG ngayong araw, April 21, kaugna ng umiiral na pandaigdigang sigalot na nakakaapekto sa suplay at presyo ng mga ito.
Sa koordinasyon ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), isinagawa ang monitoring sa mga LPG outlet sa loob ng munisipalidad upang matiyak na nananatiling makatwiran at alinsunod sa umiiral na batas ang presyo ng mga produkto.
Katuwang ng LGU sa nasabing gawain ang iba’t ibang ahensya at tanggapan, kabilang ang Bayambang Municipal Police Station, Treasury Office, Task Force Displina, MDRRMO, DTI-Pangasinan, at Public Information Office, upang masiguro ang maayos at organisadong pagpapatupad ng monitoring.
Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaang bayan upang mapanatili ang kaayusan sa merkado at maprotektahan ang interes ng publiko sa gitna ng nagbabagong sitwasyon sa pandaigdigang ekonomiya. (RGDS/RSO; AG)














