Muling nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, sa pamamagitan ng LGU-SEE Staff, ng price monitoring sa Bayambang Bagsakan Area upang magsilbing gabay sa mga mamimili at maipaalam ang pinakabagong presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong agrikultural sa pamilihan.
Paalala po na ang mga presyong ito ay batay sa pinaka huling datos sa kasalukuyan at maaaring magbago anumang oras depende sa suplay at demand sa merkado. Ito ay inilaan bilang gabay lamang sa pamimili at hindi nakapirming presyo ng mga produkto.








