Preparatory Meeting para Town Fiesta, Isinagawa

Isang preparatory Meeting para sa Pista’y Baley 2026 ang isinagawa ngayong araw, December 17, sa Mayor’s Action Center.

Tinalakay rito ang lineup ng activities at mga trabahong nakatoka sa bawat departamento at ahensya ng gobyerno, upang masigurong maayos ang mga gagawin sa isang linggong pagdiriwang.

Nagkaroon din ng brainstorming para sa magiging tema ng kapistahan.

Pinangunahan ang pulong ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, kasama ang iba’t ibang department at unit head at mga pinuno ng piling mga local CSO na magkakaroon ng malaking papel sa ilang aktibidad. (RSO; JMB)