Pre-Disaster Risk Assessment – Tropical Depression “Carina”

Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ng ating MDRRM Chairman, Mayor Niña Jose-Quiambao, ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA noong ika-22 ng Hulyo taong 2024.

Tinalakay ni Ms. Genevieve Benebe, LDRRMO at MDRRM Council Secretariat, ang trajectory at intensity forecast ng bagyo. Inihanda rin ang mga rescue equipment, at patuloy naman ang pagmonitor sa tropical cyclone bulletin na inilalabas ng PAGASA at komunikasyon at koordinasyon sa mga barangay.

Ang PDRA ay dinaluhan ng lahat ng opisyal ng LGU at department, unit, at agency heads.

Muling pinaalalahanan ang lahat na maging handa sa posibleng maging epekto ng bagyo. (RSO; AG)