Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ni MDRRM Chairman, Mayor Niña Jose-Quiambao, ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDR, noong ika-21 ng Oktubre 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Tinalakay ni LDRRMO Genevieve Napier Uy-Benebe ang trajectory at intensity forecast ng bagyo na maaring sumailalim sa kategoryang typhoon o super typhoon sa mga susunod na araw. Kasama pa sa kaniyang mga ibinahagi ay ang Tropical Cyclone Warning System.
Inihanda na rin ang mga rescue equipment, at patuloy naman ang pagmonitor sa tropical cyclone bulletin na inilalabas ng PAGASA, Windy, Hazard hunter PH, komunikasyon at koordinasyon sa mga partner agencies (DILG – MLGOO, PNP, BFP, RHU, MSWDO, BPSO, MEO, trained force-multipliers), stakeholders (Farmers – MAO, BIBA Inc, Transport Group, Academe, General public), at BDRRMC, pag-activate sa ating Incident Command System, at pagtaas ng alert status mula sa “WHITE” patungong “BLUE” na inaprubahan ni Mayor Niña.
Patuloy sa pagpapaalala si Mayor Niña, MDRRM Council at ang buong LGU-Bayambang na laging maging alerto at handa sa posibleng maging epekto ng bagyo sa ating bayan.
Kabilang dito ang pagstock ng pagkain gaya ng mga de lata, mga gamot tulad ng prophylaxis lalo na kung lulusong sa baha, at preparasyon ng e-balde. Ipinaalala rin sa bawat miyembro ng konseho ang paggamit ng emergency procurement kung kinakailangan. Hinihikayat rin ang mga punong barangay na gamitin ang BDRRMF ng kanilang barangay.
(MDRRMO/Shin G.; MDRRMO/Ace Gloria)