PRDP Sub-Project Pre-Construction Conference, Isinagawa

Simula September 24 hanggang 26, ang LGU ay nagdaos ng isang pre-construction conference para sa nalalapit na implementasyon ng DA-PRDP-World Bank sub-project na “Road Opening and Concreting of San Gabriel II to Pantol Farm-to-Market Road.”

Sa kumperensyang ito, siniguro na ang lahat ng kasali sa sub-project pati na ang contractor nito ay lubos na nauunawaan ang scope of work, implementation schedule, roles and responsibilities, at iba pang technical at administrative concerns ng naturang sub-project.

Pinangunahan ni Municial Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang aktibidad bilang pinuno ng Municipal Project Management and Implementation Unit.

Inanyayahan din ang mga punong barangay at kagawad ng San Gabriel II at Pantol, ang dalawang barangay na direktang dadaanan ng proyekto. (RSO; AG, MEO)