Noong December 5, 6, at 7, 2023, muling bumisita sa Bayambang ang Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-RPDP) team upang ma-fast-track ang mga kinakailangang gawin para sa Phase 2 (Scale-Up) ng Pantol-to-San Gabriel-2nd Farm-to-Market Road (FMR) with Bridges Project.
Sa una at pangalawang araw, matagumpay na naisagawa ang walk-through sa mismong lugar na pagtatayuan ng proyekto kung saan matiyagang nilakad ng mga kawani ng PRPD at Municipal Project Management and Implementation Unit (MPMIU) ang ilang kilometrong FMR project na ito.
Noong December 7, sila ay nagpulong naman sa Mayor’s Conference Room at Annex Bldg. Conference Room para sa Pre-SPAR (Sub-Project Appraisal) exit conference, kung saan ay inilahad ng mga taga-PRDP ang kanilang mga rekomendasyon kasabay ng mga commitment na dapat pangatawanan ng LGU at ng PRDP para matagumpay na matapos ang inaasam na daan para sa mga onion farmers ng Bayambang.
Sa panig ng PRDP team ay naroon ang buong puwersa ng National Project Coordination Office (NPCO), Project Support Offices (PSO), at Regional Project Coordination Office – 1 (RPCO1). (by RSO/Photos: MPDO)