Bilang Council President ng Philippine Red Cross- San Carlos City Branch Council, aktibong nakiisa si Mayor Niña sa pinakaunang Board Meeting ngayong taon ng organisasyon sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez, noong January 24, 2025 sa Tapuac District, Dagupan City.
Sa pulong ay tinalakay ang iba’t ibang plano sa implementasyon ng mga programa at proyektong nakatakdang isagawa ng PRC sa taong ito.