Poster at Slogan Making Contest, Nagpamalas ng Kamalayan sa Fire Safety

Isang poster- at slogan-making contest ang isinagawa ngayong araw, March 6, 2026, sa Bayambang Fire Station, sa pamumuno ni Acting Municipal Fire Marshal, FInsp Joy Carol Palchan.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa PSU Laboratory High School, Bayambang National High School, at Saint Vincent Catholic School.

Kapansin-pansin ang kanilang pagiging malikhain, kung saan iba’t ibang ideya at makukulay na disenyo ang ginamit upang maipahayag ang kahalagahan ng pag-iwas sa sunog.

Sa pamamagitan ng sining at malikhaing pagpapahayag, naipakita ng mga kalahok ang kanilang suporta sa adbokasiya para sa fire prevention at kaligtasan ng komunidad.

Ang mga nagwagi sa patimpalak ay iaanunsyo sa darating na Lunes. (RSO; BFP)