Upang lalo pang mapahusay ang pamamahala sa basura at matiyak ang kalinisan at kalusugan ng komunidad, pinangunahan ni Special Assistant to the Office of the Mayor (SATOM), Dr. Cezar T. Quiambao, ang isang exploratory meeting kasama ang mga may-ari at opisyal ng Jeico Development Corp., isang South Korean company, noong Setyembre 16 sa Mayor’s Conference Room (MCR).
Sa pagpupulong, tinalakay nina Mr. Jin Young Kim, Chairman; Mr. Jin Hoi Park, CEO; Mrs. Tean Guillermo, Executive Manager; at Karl Guillermo ng Jeico Development Corp., ang proseso ng pagtatayo at pamamahala ng modern sanitary landfill, kabilang ang mga teknikal na pangangailangan at mga konsiderasyon sa pagpili ng lugar na maaaring pagtayuan.
Layunin nitong maglatag ng mas maayos at makabagong sistema sa pamamahala ng basura para sa kalinisan at kalusugan ng mga residente.
Nasa nasabing pagpupulong sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at mga department head mula sa ESWMO, Engineering Office, MPDO, MTICAO, at IAS.
Taun-taon, milyung-milyong piso ang ginagastos ng bayan madispose lamang ng maayos ang mga nakokolektang basura. Kapag may sariling landfill ang Bayambang, makakatipid ito ng malaki at maaari pang kumita mula sa pagtangkilik ng ibang bayan sa naturang pasilidad. (Charlaine Melendez, RGDS/RSO; JMB)








