Pormulasyon ng GAD Agenda ng Bayambang, Naging Matagumpay

Naging matagumpay ang formulation ng Gender and Development agenda ng Bayambang, sa ginanap na training-workshop sa Pantabangan, Nueva Ecija mula March 4 hanggang March 6, 2025.

Ang tatlong araw na aktibidad ay dinaluhan ng mga pinuno at GAD focal persons ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.

Hangarin ng nasabing aktibidad ang bumuo ng mga programa kung saan lahat ng sektor ng lipunan, lalo’t higit ang mga kababaihan, ay mabibigyan ng prayoridad tungo sa pagkakapantay-pantay ng lahat.

Ang mga programang binuo ay ipatutupad sa susunod na tatlong taon, at ang mga ito ay ibinase sa mga gender issues na lumitaw ayon sa mga datos na mayroon ang bawat opisina.

Kaya’t tiyak na ang pondong nakalaan sa GAD ay nailaan ng tama para sa tunay na kapakinabangan ng mga Bayambangueño. (RSO/SG; MSWDO)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka