Nagwagi ang Brgy. Poblacion Sur sa kanilang malikhain at kaaya-ayang urban gardening project, sa isinagawang Search for Best Urban Gardening ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), sa tulong ng MAO, noong ika-13 ng Disyembre, 2023, kung saan naging participants ang walong urban barangays ng Bayambang.
Ang naturang barangay ay nakatanggap ng P15,000 cash prize.
Naging 1st runner-up ang Brgy. Zone 2, na nakakuha ng P10,000 at nasungkit naman ng Brgy. Magsaysay ang 2nd runner-up, na nakakuha ng P5,000.
Ang mga di nagwagi ay binigyan ng P1,500 consolation prize.
Inaasahan ng Nutrition Office na payayabungin ng mga urban barangay ang kanilang taniman. (by Vernaliza M. Ferrer/RSO; photos: Ace Gloria)