Ang PNP-Bayambang, sa pamumuno ni PLtCol Rommel Bagsic, ay kinilala ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region I bilang national nominee para sa gawad na “Community Service-Oriented Policing (CSOP) Showcasing Local Initiatives Against Crime” ng NAPOLCOM Central Office.
Ito ay bilang pagkilala sa inisyatibong “Police Hour at Your Service” ng Bayambang Municipal Police Station gamit ang 87.5 Niña Aro Taka radio station magmula pa noong taong 2023. (RSO; MTICAO)

